Chapter 1
March 10, 2012Chapter 1
Nasabi ko naman sa inyo na isa akong batang ina diba? Oo tama iyon. Pero kung sasabihan niyo na agad akong malandi, impokrita, pokpok at walanghiya, isa lang ang masasabi ko sa inyo, WALA AKONG GINAWANG MASAMA.
Oo nga at ganun ang sitwasyon ko pero porke ba ganun e malandi, impokrita, pokpok at walanghiya na agad? Hindi ba pwedeng nangyari yon dahil sa pag-ibig?
Kasi ganun ang nangyari sa akin. Gusto niyo bang malaman? Pakinggan niyo na lang ako.
High school ako nun ng i-arranged marriage ako ng magulang ko sa isang lalaking di ko kilala, di ko pa nakikita at worst, di ko mahal. Ang pangalan niya ay Daren at siya ay anak ng business partner ng daddy ko. Nung time kasing yun, mayaman pa kami. Lahat ng gusto ko nakukuha ko kasi akala ko hindi kami maghihirap. Umayaw ako dun sa kasalan pero lahat ng yon nagbago nung isang araw nakita ko ang mommy ko na umiiyak sa kwarto nila.
Tinanong ko siya kung ano bang nangyari pero lalo lang siyang umiyak at sinabing tanggapin ko na daw ang arranged marriage. I said no pero sinabi niya yung totoong dahilan kung bakit kailangan kong tanggapin, kasi nalulugi na yung kompanya namin. At ang tanging paraan na lang ay ang pakasalan si Daren. Dahil sa ayokong mangyari yun, pumayag ako. Tinulungan ng family ni Daren na makabangon ulit kami at nagtagumpay sila.
Yung tungkol naman daw sa kasal ay mas maganda daw kung pagkatapos pa ng college gagawin para makagraduate muna kami. Purpose din nila yun para matutunan naming mahalin ni Dare ang isa’t-isa. And I did. I did fall for Him. Kasi habang di pa kami kasal, ginawa din niya lahat para mahalin ko siya. Niligawan niya ako at sinagot ko siya. Nagmahalan kami at nangakong di iiwan ang isa’t-isa.
Ngunit di inaasahang nabuntis ako. Lasing kasi kami nung mangyari yon kaya wala kami sa tang pag-iisip. Sinabi namin sa mga magulang namin and it turned out na ok lang sa kanila. Masaya kaming lahat sa nangyari. Noon yun, pero lahat nabago ng isang araw nabalitaan ko na lang na umalis siya ng bansa at iniwan ako. Hiyang-hiya yung magulang ni Daren samin kaya pinull-out nila yung share of stocks nila sa kompanya na naging dahilan kaya nalugi ulit kami.
Di nakayanan ni mommy yung nangyari kaya inatake siya sa puso at namatay. Nung pagkamatay ni mommy, si daddy biglang nagbago, madaling araw na kung umuwi at lagi pang lasing. Lahat yun pinagtiisan ko, lahat ng hirap, wala na din kasing natira sa saving namin dahil naubos na namin sa dami ng gastusin namin.
Ngunit di ko inaasahang may mas darating pa palang mas masakit, namatay si daddy. Nasaksak habang nakikipag-inuman. Sa sobrang lungkot ko nun, nagbreak down ako nun at muntik pang mag-agaw buhay. Buti na lang dumating si Kristine, yung bestfriend ko since high school. Tinulungan niya akong bumagon at pinatuloy niya ako sa bahay niya. Utang ko sa kanya ang buhay ko pati narin ang buhay ng anak ko. Kundi dahil sa kanya wala na ako ngayon dito sa mundo. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanya.
Ngayon, dito parin kami nakatira kay Kristine pero di na tulad ng dati. May trabaho na ako kaya hati kami sa lahat ng gastusin, sa kuryente, tubig at iba pa. Pero yung pagpapaaral ng anak ko, ako na lang mag-isa. aba, kahit bestfriend ko yan nahihiya na din naman ako sa kanya. Tama na yung mga nagawa niya.
“BESTFRIEEEEEEEND!” rinig kong sigaw ni Kristine. Ganyan talaga yan. Maingay.
“Oh bakit?”
“E kasi nakakaloka yung nasight ko kanina sa may Makati!”
“Ano bang nakita mo?”
“Ay ayokong sabihin! Kailangan ikaw mismo ang makakita! Tara pupunta tayo sa Makati.” tapos hinihila na niya ako papalabas.
“Teka teka. Teka! Pano si Adrian?” ang tinutukoy ko ay yung anak ko.
“Ay oo nga pala! Adriaaaaan!” tawag niya sa anak ko.
“Bakit po tita Kristine?”
“Gusto mo bang maglakwatsa? Sama ka samin ng mama mo.”
“Talaga po? Sige po! Papalit lang po ako ng damit.”
Tumakbo si Adrian sa kwarto niya at mga ilang saglit ay bumaba siya ng nakabihis na.
Hinawakan niya ako sa kamay, “Tara
na po mama.”
-------------------------------------------------------------
Kasalukuyan kaming nasa gilid ng isang mamahaling restaurant sa Makati at may hinihintay na ewan ko kung sino.
“huy Kristine sino bang hinihintay natin dito?”
“Teka nga Liezel. Konting hintay na lang.”
“Ok fine.” yun na lang nasabi ko at naupo dun sa may bato tabi ni Adrian. Si Adrian ay 4 years old na pero napakulit. Palibhasa nandyan ang tita Kristine niya kaya namana niya yung ugali.
Lumipas ang ilang minuto at wala paring nangyayari. Di na ako nakatiis at tinanong ko ulit si Kristine.
“Huy Tin matagal pa ba yan?”
“Hindi. Malapit na. Ay!”
“Oh bakit? Anong nangyari?”
“Ay Zel nandyan na siya! Papalabas na siya.”
“Teka sino ba kasi yan?”
“Wala ng tanong-tanong. Ayusin mo na lang yung sarili mo.”
Di na ako nakaangal kasi kung anu-ano ng ginawa niya sakin. Kailangan daw naming bilisan kasi lalabs na daw yung ‘siya’ kung sino man yun.
Pagkatapos niya akong ayusin ay hinatak naman niya ako papunta dun sa harap nung resto. Sabi niya act normal lang daw ako pero ano bang abnormal sa kinikilos ko? Siya pa nga tong ang daming ginagawang di ko maintindihan eh. Kinuha ko na lang yung kamay ni Adrian at nanatili kami dun.
Mga ilang segundo din na nag-usap kami dun ni Kristine ng may narinig akong tumawag sa akin.
“Liezel kaw ba yan?”
Lumingon ako dun sa boses at natigilan sa nakikita ng dalawang mata ko ngayon. Ang first love, first boyfriend, ex-boyfriend, ex-fiance at ama ng anak ko ay nandito ngayon sa harap ko at nakatingin sa amin.
“D-daren?”
“Zel ako nga.”
Napahigpit yung hawak ko sa kamay ni Adrian dahil sa sobrang kaba at gulat.
“Ahh mama. Aray masakit.”
I was back to my senses ng marinig ko yung boses ni Adrian. yumuko ako sa kanya at sinabing sorry.
“Mama? Siya ba yung anak natin?”
“Mama anong pong sinasabi nung lalake? Siya daw po si Papa? E diba patay na si Papa?” sunod-sunod na tanong ni Adrian.
Humarap ako kay Daren, “I’m sorry Daren pero si Adrian ay anak ko lang at wala kang karapatan sa kanya.”
“Adrian anak, makinig ka sakin ha? wag mong intindihin yung sinasabi niya ha? Hindi totoo yun.”
“Pero.. sige po mama. Sinabi niyo po eh.”
Naramdaman kong papalapit na si Daren samin kaya binuhat ko na si Adrian at hinila si Tin para umalis.
“Teka Liezel! Bakit ka ba ganyan ha?”
Sumigaw ako, “Wala ka ng pake dun! Leave us alone!”
Binilisan ko lalo yung takbo ko dahil alam kong sinusundan niya kami. Buti na lang nakapara na si Kristine ng taxi at agad kaming sumakay. Nakita ko si Daren na huminto sa pagtakbo at sinipa yung semento at sumigaw.
“Liezel! Oh sh*t!”
Bakit kailangan mo pang bumalik? Maayos na lahat samin eh. Tapos bigla bigla makikita kita tapos tatanungin mo ko kung bakit ako nagkakaganito?!
Sh*t talaga! Sana di ka na lang bumalik!
Posted by penatic. Posted In : teenage mom