Prologue
Prologue
“Mama.”
Minulat ko ang aking mga mata sa boses na aking narinig, at nakita ang isang anghel na nakaupo sa tabi ng aming munting kama.
“Mama, nagugutom na po ako. Luto na po kayo ng pagkain.”
Bumangon ako upang gawin ang kanyang sinabi, ayoko rin namang magutom siya dahil di matitiis ng konsensiya ko.
“Sige, mag-hintay ka na lang diyan sa may sala at magluluto na ako.”
“Sige po mama.”
Dumiretso ako ng kusina at nagsimula sa aking pagluluto.
Araw-araw ganito ang gawain ko.
Magluto ng almusal namin, tapos iiwan siya sa bahay at saka aalis
upang kumayod at magkapagod para sa kinabukasan naming dalawa.
Siguro iisipin niyo na isa akong responsable at mabuting ina dahil sa aking mga ginagawa. Ngunit kung alam niyo lang kung bakit ako nagkaganito sigurado akong huhusgahan niyo ako ng masama.
Oo, tanggap ko yon. Basta siguraduhin niyo din na sa pagtatapos ng kwento ng buhay ko ay hindi ninyo babawiin ang mga sinasabi niyo.
Kung bakit ko ito sinasabi? Kayo ng bahala kung paano niyo malalaman.
Isang paalala lang, hindi ako isang perpektong tao dahil sa mga kamaliang ginawa ko. Dahil dito, nasira ang buhay ko at ngayon nga ay walang patutunguhan.
Ang isa ko na lang pinagpapasalamat ay sa mga nangyaring yon, dumating siya at siya ang nagpunan sa lahat ng pagkukulang nararamdaman ko sa aking sarili.
Siya ay walang iba kundi ang ANAK ko. Yeah that's true.
At this kind of age, 20 years old,
I'm already a MOTHER.
At dito nagsisimula ang kwento kung paano, bakit at kung ano pang mangyayari sa buhay ko.
In : teenage mom